Ikinatuwa ng Department of Health o DOH ang matagumpay na kampanya nila kontra sa paninigarilyo.
Ito’y makaraang ipatupad ng pamahalaan ang batas na nag-oobliga sa mga tobacco companies na maglagay ng graphic health warnings sa mga pakete ng kanilang produkto.
Dito, inilalagay ang mga nakadidiring larawan hinggil sa masamang epekto ng paninigarilyo sa katawan ng tao.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, patunay lamang ito na epektibo ang nasabing kampanya na layong paalalahanan ang publiko hinggil sa mahigit 50 malulubhang sakit na dulot ng paninigarilyo.
By Jaymark Dagala