Ipinanawagan ni Senadora Nancy Binay sa Department of Health (DOH) na mahalagang paghandaan nito ang posibildad na mahawa o ma-expose sa COVID-19 Delta variant ang mga healthcare workers sa bansa.
Ayon kay Binay napakahalagang magkaroon ng praktikal na hakbang ang kagawaran para matiyak na protektado ang mga medical frontliners kahit pa ito’y mga bakunado na.
Dagdag pa ng senadora na ito’y dahil ang naturang sektor ay pinaka-expose dahil ‘high viral load’ ang mga ospital na kanilang pinagtatrabahuan.
Kasunod nito, iginiit ni Binay na sa harap ng banta ng Delta variant at iba pang uri ng virus ay dapat higpitan pa ang border controls at pigilan ang pagbagsak ng healthcare support system ng bansa.