Kinalma ng Department of Health (DOH) – Davao ang pangamba ng publiko matapos maitala kauna-unahang kumpirmadong kaso ng pagkasawi dahil sa meningococcemia sa Davao City.
Ayon kay DOH Davao Regional Director Dr. Anabelle Yumang, nananatiling kontrolado nila ang sitwasyon sa lungsod.
Dagdag ni Yumang, mahigpit na rin silang nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang indibidwal para matukoy ang iba pang mga lugar na pinuntahan ng bata bago ito nasawi gayundin ang mga malalapit nitong nakasalamuha.
Una rin aniyang nabigyan ng prophylaxis ang mga taong nagkaroon ng direct contact sa nasawing bata tulad ng kanyang pamilya, mga kaklase at hospital staff kung saan ito isinugod.