Pinag-uusapan na ng Department of Health (DOH) at ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang posibilidad ng pagpapatupad ng temporary ban sa mga biyahero mula India.
Ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ay kasunod na rin ng pagkakatala ng bagong coronavirus variant sa naturang bansa.
Una aniyang na-detect ang India variant ng COVID-19 noong Oktubre nang nakaraang taon.
Ayon kay Vergeire, nakikipag-ugnayan na sila sa DFA upang makapagrekomenda sa IATF sakali mang kailanganing magpatupad ng travel ban sa mga magmumula sa India upang hindi na kumalat pa ang naturang variant sa Pilipinas.
Samantala, inilarawan naman bilang “double mutant” ang variant mula sa India na tinuturong dahilan ng mga eksperto sa pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa India.