Hindi nababahala ang Department of Health (DOH) sa epekto ng ban sa paggamit ng vaping products sa pondo ng UHC o Universal Health Care Law.
Ayon kay DOH Spokesperson Undersecretary Eric Domingo, mas malaki pa ang ginagastos ng ahensya sa pagpapagamot sa mga nagkakasakit dahil sa vape kaysa sa kikitain sa tax.
Dahil aniya dito ay sigurado silang hindi lubos na makaapekto ang pagbabawal ng paggamit ng naturang produkto.
Sa ngayon ay nag iintay na lamang ng executive order ang ahensya mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Magugunitang ang buwis na dapat ay ipapataw sa mga vaping products ay isa sa mga pagkukuhanan ng pondo para sa UHC.