Nilinaw ng Department Of Health (DOH) na mahirap sabihin na ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa Central Visayas ang dahilan sa na-detect na mutation concerns duon.
Ayon kay doh Secretary Francisco Duque III, mahirap itong sabihin dahil may iba’t-ibang dahilan na maituturong responsable sa naturang mutations.
Mahirap mong iugnay ‘yan nang gano’n na lamang or ng direktamenteng pag-uugnay, kasi marami rin tayong ibang factors na dapat alamin o obserbahan,” he said during a virtual briefing, ani Duque”
Kabilang sa mga posibleng maging dahilan ani duque ay ang pagluluwag ng restrictions sa cebu na nagpataas ng mobility rate ng mga residente nito.
Kaugnay nito, sinabi ni Research Institute for Tropical Medicine (RITM) director, dr. Celia carlos na isasailalim nila ang iba pang mga samples mula sa central visayas sa genome sequencing para masuri kung ang mga ito ay nagtataglay ng ibang uri ng mutations of concern.
To have a clearer picture of the situation, we need to sequence more samples from more areas of Region 7 before we draw conclusions, ani Carlos”