Tutol ang Department of Health sa mungkahing ibalik ang pagsasagawa ng random antigen testing sa mga pampublikong transportasyon matapos maitala ang immune-evasive Omicron subvariant XBB at variant XBC sa bansa.
Binigyang diin ng ahensya na ang mga bagong Coronavirus variants ay matutukoy lamang sa pamamagitan ng genome sequencing sa mga nakolektang samples mula sa RT-PCR tests.
Sinabi pa ng DOH na dapat matutunan ng publiko na mamuhay kasama ang COVID-19.
Hinimok din nito ang mga mamamayan na magpaturok na ng COVID-19 vaccines at booster shots.