Dinepensahan ng Department of Health ang efficacy ng SINOVAC Vaccine matapos ang akusasyon ng Singapore sa naturang bakuna.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naghihintay pa ng sapat na datos ang Singapore hinggil sa paggamit ng bakunang SINOVAC.
Ani Vergeire, hindi nakikitaan ng Singapore ang SINOVAC na nagbibigay ito ng proteksyon sa kanilang kababayan kaya hindi isinasama ang mga nabakunahan ng SINOVAC sa kanilang bilang ng mga nabakunahan.
Magugunitang, kasama sa binigyan ng emergency use ng World Health Organization ang naturang bakuna.
Samantala, ipinapakita sa maraming pag-aaral na epektibong panlaban sa COVID-19 ang SINOVAC vaccine.