Wala pang rekomendasyon ang mga expert mula sa Department of Health (DOH) kaugnay sa posibleng paghahalo ng iba’t ibang brand ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire dahil pinag-aaralan pa ng mga experts ang posibleng paghahalo ng bakuna bukod pa sa walang sapat na ebidensya para payagan ang naturang hakbangin.
Binigyang diin ni Vergeire ang rekomendasyon pa rin nang pagturok ng parehong brand ng bakuna para sa una at ikalawang dose.
Una nang inihayag ng vaccine experts panel (VEP) ang pag-aaral sa posibleng mixing of vaccines na anito’y very practical o realistic scenario sa gitna na rin ng kakulangan ng suplay ng bakuna sa bansa.