Nagbabala sa publiko ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili at paggamit ng Ivermectin veterinary products bilang gamot kontra COVID-19.
Sa isang joint announcement, nilinaw ng dalawang ahensya na wala pa silang natanggap na anumang aplikasyon para sa paggamit ng nasabing produkto laban sa virus sa ilalim ng Compassionate Special Permit.
Nilinaw din ng DOH at FDA na batay sa inaprubahan nilang permit para sa mga Ivermectin veterinary products, ang mga ito ay ginagamit lamang na panlunas laban sa internal at external parasites sa ilang hayop o animal species.