Gumagawa na ng paraan ang Department of Health (DOH) para mapataas at mapalakas ang pagbabakuna sa bansa.
Siniguro ni DOH Officer In Charge Undersecretary Maria Rosario Vergiere, na mas paiigtingin ng kanilang ahensya ang mga hakbang para maabot ang target na bilang ng mga bakunado kontra COVID-19 bago ang ika-100 araw sa puwesto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Vergeire, mas nagkakaroon ng interes ang publiko kapag inilalapit nila sa mga lugar na madalas puntahan ng tao ang pagbabakuna.
Dahil dito, tumataaas ang bilang ng mga nababakunahan kung saan, target ng DOH ang 50% para sa unang booster shot o katumbas ng nasa 23 million Filipinos.
Sinabi ni Vergeire na sa ngayon, nakapagpatayo na ang kanilang ahensya ng 18, 000 vaccination sites sa buong bansa kabilang na ang palengke, malls, health centers, at iba’t ibang ahensya ng gobyerno na makakatulong sa pagpapataas ng antas sa Vaccination Program ng pamahalaan.