Handa ang Department of Health sa anumang uri ng sakit na maaaring pumasok sa bansa.
Ito ang tiniyak ni Health Deputy Spokesman Assistant Secretary Albert Domingo matapos iulat ng World Health Organization na dapat maghanda ang buong mundo sa disease ‘X’ na posibleng mauwi sa pandemya.
Sinabi ng DOH Official, mayroon ng sistema ang Pilipinas dahil sa nangyaring pandemya sa COVID-19.
Mayroon na ring joint external evaluation na ginawa ang kagawaran noong 2018 upang makapasa sa pamantayan ng WHO.
Sa ngayon, nakabantay ang DOH sa posibleng ‘alarm sign’ sa panibagong uri ng sakit na maaaring tumama sa bansa.