Handang humarap sa imbestigasyon ang Department of Health (DOH) na humarap kung sakaling ipatawag hinggil sa planong pagbili ng pamahalaan ng isang bilyong halaga ng Remdesivir.
Ito ay ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa 50 ospital na ang inaprubahan ng Philippine Society of Microbiology and Infectious Disease sa paggamit ng antiviral drug.
Maraming eksperto aniya ang nagsasabing nakatutulong ang Remdesivir lalo na sa mga pasyenteng nasa severe at critical cases ng COVID-19.
Samantala, ilang kongresista naman ang kinuwestiyon ang hakbang na ito ng DOH dahil hindi naman napipigilan ng naturang gamot ang kondisyon ng mga tinamaan ng virus sa bansa. — Sa panulat ni Rashid Locsin.