Handa ang Department of Health (DOH) na sagutin ang mga pagkuwestiyon ukol sa Covid-19 vaccine deployment program.
Maliban dito, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na bukas din sila sa anumang imbestigasyon kaugnay ng mga nasayang na bakuna.
Paliwanag ni Vergeire, mas mababa pa sa 10% threshold na itinakda ng World Health Organization ang vaccine wastage ng bansa.
Matatandaang nanawagan si Sen. Risa Hontiveros ng Senate investigation ukol sa mga na-expire at hindi nagamit na bakuna na tinatayang nagkakahalaga ng P5 billion hanggang P13 billion.