Hindi ipinapayo ng Department of Health (DOH) ang walk-in sa pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga kabataang edad 5 hanggang 11.
Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ito ay para maiwasan ang overcrowding sa mga health center na maaaring magdulot ng pagakalat ng virus.
Sa Pebrero 4 magsisimula ang bakunahan sa ilang ospital sa Metro Manila na kinabibilangan ng; National Children’s Ospital, Philippine Children’s Medical Center at sa Philippine Heart Center.
Para mabakunahan ang mga bata, kailangan lang magpakita ng dokumento ng mga magulang o guardian na nagpapatunay na anak at nasa poder nila ito.
Kung hindi available ang magulang, kailangang magdala ng notarized authorization letter o affidavit o certification mula sa barangay captain. —sa panulat ni Abby Malanday