Walang nakikitang pangangailangan si DOH o.i.c. Undersecretary Maria Rosario Vergeire upang magbukas ng bagong isolation facility.
Ito’Y sa kabila nang nakikitang pagtaas ng kaso ng covid-19 sa National Capital Region.
Ayon kay Vergeire, sa kasalukuyan ay mayroon pa ring ilang isolation facilities sa mga local government units bukod pa sa may nakakontratang mga hotel, lalo na para sa mga health care workers na nagkakasakit.
Halimbawa na lamang anya nito ang covid-field hospital sa Maynila kung saan inilipat ang ibang mga pasyente.
Binigyang-diin ni Vergeire na ginagamit pa naman ang mga isolation facility kaya’t hindi na kailangang pang magtayo nito.