Hindi pa inirerekomenda ng mga eksperto kung anong klaseng bakuna ang maaring iturok bilang second dose sa Sputnik V.
Ito ang nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire taliwas sa pahayag ni vaccine czar, secretary Carlito Galvez na maaring tumanggap ng Astrazeneca vaccine ang mga binakuhan ng 1st dose ng Sputnik V kung magkakaroon pa ng delay sa supply.
Ayon kay Vergeire, pinag-aaralan pa ang sitwasyon, pero kailangan ding maintindihan ng ating mga kababayan na ang component 1 at component 2 ng Sputnik V ay magkaiba kahit pareho ito ng platforms.
Kailangan aniyang hintayin talaga ang second dose ng Sputnik V at isa lamang sa option ang binanggit ni Galvez.
Sumulat na rin ang gobyerno sa manufacturers at hiniling na dapat mai-deliver na ang supply ng Sputnik V vaccine para sa second dose.—sa panulat ni Drew Nacino