Hindi nababahala ang Department of Health (DOH) sa pagkakabilang sa Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Batay na rin ito sa huling update ng COVID-19 tracker ng John Hopkins University and Medicine.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire hindi pa nababawas sa reported cases ang mga naka-recover na, mga namatay at maging ang active cases.
Wala aniyang dapat ikabahala ang publiko sa world ranking ng Pilipinas dahil bagamat sinasalamin ng kabuuan ang dami ng naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas mula Enero ay nasa bilang namn ang active cases ang totoong sitwasyon.
Sinabi pa ni Vergeire na 82%ng reported coronavirus cases sa bansa ang gumaling na at 1.8% lang ang fatality o mga namatay.