Hindi pa inirerekomenda ni Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III sa mga local government unit (LGU) ang magpatupad ng kanselasyon ng klase kasunod ng code red alert status ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pero ayon kay Duque, nasa desisyon parin ito ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan bilang independent at sumusunod sa local government code.
Ngunit sa ngayon, nasa sublevel 1 pa lamang aniya ang code red alert at hindi pa aniya kailangan na irekomenda ang class suspension.
Matatandaang, ilang lgu na ang nagdeklara ng kanselasyon ng klase bukas matapos itaas sa code red alert ang Pilipinas.