Wala pa ring posibilidad na itaas muli ang COVID-19 alert level sa bansa sa gitna ng banta ng bagong subvariant na Omicron BA.2.12.1.
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) undersecretary Maria Rosario Vergeire dahil mayroong basehan ang alert level system.
Patuloy pa aniyang pinag-aaralan ng kagawaran ang katangian ng naturang Omicron subvariant.
Sa kanilang pagsusuri, mas mabilis itong makahawa kaysa sa orihinal na variant na Omicron.
Sa ngayon, nasa 14 na kaso ng BA.2.12.1 ang na-detect sa Palawan kung saan 2 rito ay mula sa National Capital Region.