Wala pa ring naitatalang “serious adverse events” ang DOH sa mga edad lima hanggang labing-isa na binakunahan laban sa COVID-19.
Partikular na tinukoy ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje ang mga tinurukan ng Pfizer na nasa mahigit 260K.
Apat anya sa walong batang binakunahan ang nakaranas ng pananakit o pangangati ng lalamunan, habang karamihan ay nakaranas lang ng rashes, mayroon ding nilagnat at nagsuka.
Sa ngayon, tanging ang Pfizer ang may emergency use authorization mula sa Food and Drug Administration para sa nasabing age group.
Samantala, matatandaang ika-7 ng Pebrero nang magsimula ang naturang pediatric vaccination sa kamaynilaan, habang iginulong naman ito sa buong bansa noong araw ng mga puso o ika-14 ng Pebrero.