Hinihintay na lang ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa rekomendasyon ng Department Of Health (DOH) na magkaroon ng price ceiling o iisang presyo na susundin para sa pagsasagawa ng swab test.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, sigurado nang pagpapasiyahan na ng punong ehekutibo ang isyu kasunod ng patuloy na tumataas na singil ng ilang laboratoryo sa testing.
Pagdidiin pa ni Roque, malinaw na isa itong pang-aabuso sa taong bayan lalo’t nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, iginiit ni Roque, na kinukumpleto na ang mga hakbang sa isasagawang pilot pooled testing kung saan ay 5 katao na ang pupwedeng gumamit para sa iisang test kit at inaasahan ding bababa ang halaga nito na aabot lamang ng hanggang 700-piso.