Naghihintay pa ng dagdag na data ang DOH bago tumugon sa umano’y bagong variant ng coronavirus na na-detect sa France at hindi maaaring makita COVID -19 testing.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ,wala pang naire-report ang WHO hinggil sa naturang variant at kakaunti pa lang ang hawak nilang datos para malinawan o matiyak ang nasabing report ng bagong variant.
Naka antabay din aniya sila sa Global Initiative on Sharing Avian Influenza Data (GISAID) para ma calibrate ang tamang tugon sa napaulat na bagong corona variant.