Hinikayat ng Department of Health ang mga kandidato sa darating na halalan na maging magandang halimbawa sa pagsunod sa minimum public health standards at pagpapabakuna sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pinaalalahanan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong kahapon ang publiko at mga opisyal na sumunod sa health protocols sa kampanya bago pa sumapit ang Halalan 2022.
Iginiit din ni Vergeire na mayroon pa ring COVID-19 pandemic, at ilang mga bansa ang nakararanas ng surge. – sa panulat ni Mara Valle