Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na tangkilikin ang mga libreng bakuna kontra polio.
Ito’y kasunod ng mga napaulat na kaso ng polio sa bansa matapos ang halos dalawang (2) dekadang ‘polio free’ ng Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kailangan mabakunahan ang mga bata kontra polio lalo na ang mga batang edad lima (5 yrs. old) pababa.
Kailangan din aniyang mabakunahan ulit ang mga bata laban sa type 2 poliovirus na matagal nang hindi ibinigay dahil matagal nang wala sa bansa.
Magugunitang nagpositibo sa type 2 poliovirus ang dalawang (2) bata mula sa Lanao del Sur at Laguna nuong nakaraang linggo.
Ikatlong sakit na ang polio sa bansa ngayong taon na idineklarang may outbreak kasunod ng tigdas at dengue.