Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpadala ng mga katanungan hinggil sa ipatutupad na community quarantine sa Metro Manila.
Sa kanilang Facebook page, sinabi ng DOH na kanilang ikokonsidera ang lahat ng mga ipadadalang katanungan at paglilinaw para sa pagbuo ng detalyadong guidelines sa National Capital Region (NCR) community quarantine.
Ayon sa DOH, maaaring bisitahin ang naka-post na link sa kanilang official Facebook page para sa mga may nais na ipadalang tanong.
Batay sa anunsyo ni pangulong rodrigo duterte, sisimulan ang community quarantine ng Metro Manila, 12:00 a.m. ng Marso 15 araw ng linggo.