Hinikayat ng DOH o Department of Health ang publiko na lutuing mabuti ang karneng baboy sa gitna ng hindi pa makumpirmang sakit na tumama sa mga alagang baboy sa ilang lugar sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, huwag munang kumain ng mga half cooked na karne para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Aniya, maging mapanuri rin sa mga bibilhing karneng baboy at siguruhing dumaan ito sa inspeksiyon ng National Meat Inspection Service.
Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung kaso nga ng african swine flu ang sakit na tumama at pumatay sa maraming baboy sa bansa.