Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na ngayon na ang pinakamagandang panahon para magpaturok ng COVID-19 booster shots.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, sa ngayon ay maluwag ang mga vaccination site at sapat ang mga suplay ng bakuna ngunit posibleng maging pahirapan na ito sakaling muling magkaroon ng COVID-19 surge.
Batay sa datos ng ahensiya, nasa 12.7 million o wala pa sa kalahati ng kabuuang bilang ng eligible adult population ang nabibigyan ng booster shots.
Samantala, hindi pa man dumarami ang nakakatanggap ng booster shots, inaasahang aarangkada na sa mga susunod na araw ang pamimigay ng ikalawang booster shots para sa senior citizens, mga immunocompromised at mga healthcare worker.