Umapela ang Department of Health (DOH) kay Pang. Rodrigo Duterte na i-veto ang proposed bill na naglalayong babaan ang edad ng mga maaring gumamit ng vape at e-cigarette products, na mula sa 21 to 18 year old.
Ayon sa DOH, maituturing na “retrogressive provisions” ang Senate Bill 2239 o ang Proposed Vaporized Nicotine Products Regulation Act contains “retrogressive provisions” dahil pinahihina nito ang kasalukuyang batas, polisiya, regulasyon, distribusyon, at ang paggamit ng mga vapor at heated tobacco products.
Pahayag ng Health department, taliwas ang vape bill sa public health goal ng bansa at sa posisyon ni Pang. Duterte na protektahan ang mga Pilpino, partikular na ang mga kabataan mula sa masamang epekto ng paninigarilyo at usok na mula sa mga produktong ito.
Giit ng DOH, kapag nakapasa ang naturang panukala, tila mawawalan narin ng bisa ang Republic Act no. 11223 o Universal Health Care Act at iba pang-health laws.
Dagdag pa ng ahensya, na mas matatambad o ma-e-exposed ang mga kabataan sa mapanira at addictive substances lalo na’t maari nang ihalo sa paggamit ng vape ang mga alcohol, marijuana, at iligal na droga.
Malaki ang paniniwala ng DOH, na mas mapapalakas ang tobacco control sa Pilipinas kapag vineto ng punong ehekutibo ang vape bill.