Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan laban sa Covid-19 ang kanilang mga anak na may edad 5 hanggang 11 taong gulang.
Ayon kay Health Undersecretary at National Vaccination Operations Center Chief Myrna Cabotaje, ito’y upang mas mapaghandaan ng kanilang mga anak ang pagbubukas muli ng face to face classes.
Dadag ni Cabotaje, na ang pagpapabakuna laban sa virus ay higit na magpapababa ang panganib ng mga bata na ma-ospital kapag nahawahan ng sakit.
Matatandaang, sa Pebrero a-4, nakatakdang simulan ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra Covid-19 para sa mga batang ng nasabing age group sa National Capital Region (NCR) bago unti-unting lumawak sa ibang mga rehiyon. —sa panulat ni Kim Gomez