Humihingi ng dagdag na pondo ang DOH para sa Special Risk Allowance (SRA) ng mahigit 17,000 pang healthcare workers.
Bukod pa ito, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa naunang P311-M na inirelease na ng DBM para sa SRA ng mahigit 20,000 health care workers.
Kasabay nito, ipinabatid ni Vergeire na naguusap na ang DOH at DBM para i-extend ang kontrata hanggang sa katapusan ng taon ng health care workers na kinuha sa pamamagitan ng emergency hiring program.