Humingi ng paumanhin ang Department of Health(DOH) para sa idinulot na kalituhan at panic sa mga residente ng Liloan, Cebu.
Ito ay matapos mapaulat na isang 35 anyos na residente ng Liloan ang nagpositibo sa UK variant ng COVID-19.
Sa ipinalabas na pahayag ng DOH Region 7, kanilang nilinaw na bagam’t tiga liloan ang naturang pasyente, nagpositibo ito sa COVID-19 test habang nasa Metro Manila.
Anila, Enero 17 pa nang magpa-test ang naturang pasyente sa isang private molecular laboratory sa sta. Ana, manila kung saan ito nagpositibo habang lumabas namang UK variant ang taglay nito noong Pebrero 5.
Kaugnay nito, humingi ng paumanhin si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at binigyang diin na wala silang intensyon na magdulot panic o takot sa mga tiga-Liloan.
Paliwanag ni Vergeire, nakabatay kasi sa ibinigay na address ng pasyente ang ipinalalabas nilang report ng mga kaso ng COVID-19.