Mahigpit na tinututukan ng Department of Health (DOH) ang pagbaba ng trend ng COVID-19 cases sa bansa.
Ayon kay DOH Usec. Maria Rosario Vergeire, kailangan pa nila ng isang linggo upang masabing bumababa talaga ang mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.
Titingnan din nila ang mga ulat mula sa mga laboratoryo at ilang mga pamantayan ng pagbaba ng kaso sa bansa bago sila magsagawa ng kumpirmasyon hinggil dito.
Magugunitang inihayag ng University of the Philippines (UP) OCTA research team na unti-unti nang nakakamit ng Pilipinas ang flattening of the curve.
Kaya naman posibleng bumalik na sa pre-pandemic normal ang bansa pagsapit ng susunod na taon kaakibat ang pagpapanatili sa minimum health protocols.