Mas maraming kaso ng COVID-19 sa bansa ang inaasahang maitatala sa mga susunod na linggo.
Ito ay matapos makita ng Department of Health (DOH) ang muling pagtaas o “peak” ng mga impeksyon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mahigpit nilang binabantayan ang Metro Manila na nakitaan ng pagsirit ng COVID-19 cases na ngayon ay nasa 70%.
Aniya, dumoble rin ang average number ng mga kaso sa rehiyon kumpara noong nakalipas na linggo habang tumaas din sa 1.02 ang average daily attack rate.
Bukod sa National Capital Region (NCR), mino-monitor rin ng DOH ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas at Northern Mindanao.
Nilinaw naman ng kagawaran na hindi pa muling nararanasan ng bansa ang COVID-19 surge.