Idinipensa ng Department of Health (DOH) ang mga pag kuwestyon sa halos 40,000 bagong recoveries sa isang araw na naitala nuong huwebes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang mga asymptomatic patients ay kinukunsider nang recovered kung hindi na nagpakita ng mga sintomas sa loob ng labing apat na araw mula nang isailalim ito sa RT-PCR test.
Recovered na rin aniyang maituturing ang mga mayruong mild symptoms kapag cleared na ng kanilang duktor at nakatapos na sa 14-day isolation period.
Binigyang diin ni Vergeire na naka base ito sa scientific evidence at hindi sa assumption lamang na ipinatutupad din sa ibang bansa.
Sinabi pa ni Vergeire na asahan na ring tataas ang bilang ng mga nakaka-recover sa naturang sakit dahil 90 porsyento ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa ay mild at asymptomatic cases.