Dapat magdoble-kayod na ang bansa sa COVID-19 vaccination upang makamit ang 70% herd immunity.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, dapat makamit ng bansa ang kahit 70% ng 77.1 milyon target population o 53.9 milyon first dose ng COVID-19 vaccine, sa katapusan ng taon.
Sa kasalukuyan anya ay nakapagturok pa lamang ng 31,182,067 na first dose habang 27,272,169 na ang fully vaccinated.
Kabilang sa mga binanggit ng DOH na dapat magdoble-kayod ang mga Local Government Unit (LGU), partikular sa kanilang house to house vaccination drive.—sa panulat ni Drew Nacino