Nananatiling “gold standard” ang RT-PCR testing upang makumpirma ang presensya ng COVID-19.
Ito ang binigyang-diin ng Department Of Health sa kabila ng umano’y false positive COVID-19 results ng Philippine Red Cross sa Subic, Zambales.
Ayon kay DOH Spokesperson, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sinusuri rin ng Research Institute for Tropical Medicine ang tests kits na ginagamit sa bansa.
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOH na imbestigahan ang marami umanong false positive results ng RT-PCR test ng red cross.—sa panulat ni Drew Nacino