Handa na ang mga lugar na sakop ng National Capital Region o NCR na bumalik sa estado ng General Community Quarantine.
Ito ay ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, base sa mga inilabas na pag-aaral ng iba’t ibang ahensya at eksperto, nakitaan ito na kaya na isailalim ang NCR sa GCQ.
Bukod dito, nakitaan rin ng DOH na naging maluwag ang sitwasyon sa mga ospital o ang healthcare utilization rate ng rehiyon at ibang lalawigan.
Bagama’t isinailalim na aniya ang bansa sa GCQ, mahigpit pa ring ipinapatupad ang mga health care protocols sa publiko.
Sinabi ng Vergeire, na sa paraang ito makasisiguro ang pamahalaan na nababantayan pa rin ang sitwasyon ng pandemya.
Ipinabatid pa ni Vergeire, na kaya ‘heightened restrictions’ dahil unti unting pinapayagan ang pagbubukas ng industriya para sa ilang mga kababayan na nawalan ng trabaho.
Samantala, malaki din ang aggampanang papel ng local government units upang hindi magpatuloy ang pagtaas ng kaso sa bansa.— sa panulat ni Rashid Locsin