Iginiit ng Department of Health na hindi kailangang magpatupad ng lockdown o isara ang border ng bansa dahil sa mga sinasabing ulat ng Human Metapneumovirus (HMPV) outbreak sa ilang bahagi ng china.
Batay sa huling ulat nitong nakaraang linggo, sumirit ang kaso ng HMPV sa mga kabataan sa hilagang bahagi ng China.
Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, hindi na bago ang HMPV dahil nuong nakaraang taon lamang ay mayroon silang naitalang 284 cases nito sa Pilipinas.
Hindi lamang din anya nakukuha sa China ang nasabing sakit at mayroon din nito sa ibang bansa, dahil lumalabas ang sakit na ito tuwing panahon ng taglamig.
Gayunman, pinaalalahanan ni Asec. Domingo ang publiko na mag-ingat pa rin at palakasin ang immune system upang maiwasan ito. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo