Nilinaw ng Department Of Health o DOH na walang nangyaring double payments sa pagbili ng PS-DBM sa mga Personal Protective Equipments o PPE nitong 2020.
Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na nabili ang mga face mask at face shields mula sa virtual store ng Department of Budget and Management.
Una nang pinaliwanag ng PS-DBM na mayroon silang dalawang uri ng procurement, una gamit ang sariling pondo at ikalawa gamit ang sarili nilang “store” na ibinebenta naman sa ibang ahensya.
Hindi naman nalinaw ng health department ang ipinunto ng Commission On Audit na pagbili ng mga regional hospitals ng kanilang PPE kahit DOH na mismo bumili nito sa PS-DBM.—sa panulat ni Rex Espiritu