Walang dapat ikabahala ang publiko sa pagpapabakuna ng Sinovac vaccine.
Ito ang tiniyak ng Department Of Health (DOH) hinggil sa lumalabas na mga ulat na mayroong nagkaroon ng COVID-19 at sa pagkasawi ng isang miyembro ng Manila Police District.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng na-expose ang mga pasyente bago magpabakuna kung saan lumabas ang sintomas pagkatapos mabakunahan.
Dagdag ni Vergeire, aabutin ng tatlo hanggang apat na linggo ang epekto sa katawan ng ikalawang dose ng bakuna.
Magugunitang, sinuspinde ang pagbabakuna ng Astrazeneca sa mga 59 na taong gulang kaugnay sa blood clot sa mga naturukan sa Europa.
Dahil dito, sinabi ni Vergeire na aabutin ng dalawang linggo ang pagpapatigil nito habang hinihintay ang rekomendasyon ng World Health Organization.—sa panulat ni Rashid Locsin