Iginiit ng Department of Health na kailangan lamang repasuhin ang republic act #10354 o ang Responsible Parenthood and Reproductive Health Law of 2012 upang maturuan ang mga Pilipino at maiwasan ang unplanned pregnancy.
Ito’y sa kabila ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga batang nabubuntis na edad 15 pababa.
Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, hindi kailangang gumawa ng bagong batas upang talakayin ang nasabing isyu.
Hindi rin anya nakatulong ang kontrobersiyal na 1979 senate bill o ang Adolescent Pregnancy Prevention Bill dahil marami ang hindi sang-ayon dito.
Una nang ibinunyag ng Philippine Statistics Authority na mahigit 2,000 sanggol ang ipinanganak ng mga inang nasa edad 15 pababa nuong 2020, na mas mataas kumpara nuong 2021.
Gayundin nuong 2023, kung saan sumirit pa ang bilang ng mga isinilang na sanggol na ang mga ina ay edad 15 pababa sa 3,135. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo