Wala pang pinal na rekomendasyon ang mga eksperto maging ang Department Of Health sa pagtuturok ng COVID-19 booster shots.
Ito ang nilinaw ng DOH matapos ang ulat na inaprubahan na ng National Immunization Technology Advisory Group o NITAG ang booster shots para sa health care workers at maari nang ibigay sa katapusan ng Oktubre o Nobyembre.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang DOH all expert group kasama ang kagawaran ay maingat na pinag-uusapan ang issue.
Bagaman may rekomendasyon na ang vaccine expert panel,wala pa anyang approval at rekomendasyon mula sa NITAG at tatalakayin pa ito ng AEG bago magpasya ang DOH.—sa panulat ni Drew Nacino