Iimbestigahan ng Department of Health ang pagkamatay ng isang sanggol na una nang tinanggihan sa ICU ng isang ospital dahil sa kawalan ng deposito.
Tiniyak ito ni Health Secretary Paulyn Ubial kaugnay sa pagkamatay ng isang buwang gulang na si Chelsey Jane Iyas.
Ayon sa report hindi tinanggap ng Pagadian City Mendero Hospital ang sanggol na may lagnat dahil hindi mabayaran ng inang si Rebecca ang dagdag na 10,000 Piso bukod pa sa ICU downpayment na parehong halaga.
Hindi naman mailabas ng ina ang labi ng anak mula sa ospital dahil kailangan pa umano nitong bayaran ang halos 11,000 Pesos na hospital bill.
Sinabi naman ni Hospital Medical Director Jaime Navarro na hindi sila humihingi ng initial deposit maliban na lamang kung ipapasok sa ICU ang pasyente.
Nangako naman ang pamunuan ng ospital na i imbestigahan din ang insidente at haharapin ang reklamo ng pamilya ng namatay na sanggol.
By: Judith Larino
SMW: RPE