Ikinaalarma ng Department of Health o DOH ang paglobo ng bilang ng mga kaso ng HIV/AIDS sa Bicol Region.
Ito’y matapos makapagtala ang rehiyon ng 74 na porsyento na pagtaas noong 2015 kumpara sa datos noong 2014 at 2013.
Ayon sa DOH-BICOL, umabot sa 136 na kaso ng HIV/AIDS ang naitala nila noong nakaraang taon.
Giit ni Lilian Rose Contesa-Encisa, HIV Coordinator at Senior Health Program Officer ng DOH-Bicol, nitong Enero lamang ay nakapagtala sila ng tatlong kaso ng AIDS—2 sa Camarines Sur at 1 sa Albay—at 12 asymptomatic cases.
By Jelbert Perdez