Ikinagulat at ikinaalarma ng Department of Health (DOH) ang pagpatay sa hepe ng National Center for Mental Health (NCMH) at driver nito.
Ayon sa DOH ipinaabot nito ang pagkiki-dalamhati sa pamilya ni NCMH Chief Dr Roland Cortez at driver na si Ernesto Dela Cruz na pinatay sa Barangay Culiat sa Quezon City kahapon ng umaga.
Tiniyak ng DOH ang hustisya sa pagkamatay ni Cortez atr driver nito sa gitna na rin nang pakikipag ugnayan nila sa mga otoridad para mahuli ang mga suspek at mapanagot sa batas ang mga ito.
Sinabi ng DOH na si Cortez ay respetadong lider na tumutulong ng tapat sa mga kliyente nito at hindi makatuwirang patayin ang kagaya nito gayundin ang iba pang healthcare workers lalo na sa panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Si Cortez at driver nito ay nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala ng baril sa katawan at nakitang wala nang buhay ang mga ito sa loob ng pulang Toyota Vios.
Pangunahing suspek sa krimen ang riding in tandem.