Kuntento at masaya ang naging assessment ng Department of Health (DOH) sa unang araw ng COVID vaccination na ginanap kahapon.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naging masaya sila dahil sa tagal-tagal ng hinintay ang bakuna sa wakas ay nakapagsimula na rin ng vaccination sa bansa.
Kanilang ikinalugod din na nabakunahan na ang mga health care workers na isa sa mga pinaka importanteng dapat na mabakunahan dahil sa kanilang trabaho.
Ani Vergeire, nakita kahapon ang suporta at boluntaryong pagbabakuna ng mga healthcare workers upang maisakatuparan ang pagsisimula ng COVID vaccination program sa bansa.