Ikinukunsider ng DOH ang pagbibigay ng bagogn kahulugan sa validity ng vaccination cards ng mga fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ipinabatid ito ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos irekomenda ng private sector ang pagkakaroon ng bagong kahulugan sa full vaccination dahil na rin sa mababang booster shot vaccination rate.
Binigyang-diin ni Vergeire na nananatiling voluntary ang pagpapabakuna sa bansa sa kabila ng mga panukalang gawing requirement ang pagkakaroon ng booster shot sa mga papasok sa mga establishment.
Una nang inihayag ng DOH na nasa 12.3 pa lamang mula sa 44 million eligible individuals ang nakapagpa-booster shot na kontra COVID-19.