Kailangang isailalim sa anim na linggong Modified Enhanced Community Quarantine ang Metro Manila upang mapababa ang kaso ng COVID-19 bago magtapos ang Setyembre, base sa projection ng Department Of Health.
Apat na scenario ang pinagbatayan ng DOH, una ay kung magpapatupad ng 2-week ECQ na susundan ng 4-week MECQ kaakibat ang vaccination, case isolation at pagsunod sa health protocols ay magreresulta sa 66,403 cases hanggang Agosto 31 at 269,694 cases sa Setyembre 30.
6-week ECQ kaakibat ang kasalukuyang COVID-19 response ay magreresulta sa 71,255 cases hanggang Agosto 31 at 330,079 sa Setyembre 30.
6-week ECQ kaakibat ang improved COVID-19 response ay magreresulta naman sa 83,921 cases sa Agosto 31 at 152,776 cases sa Setyembre 30.
At 4-week MECQ na susundan ng 2-week GCQ na sasabayan ng improved COVID-19 response ay magreresulta sa 83,921 cases sa Agosto 31 at 158,489 cases sa Setyembre 30.
Nilinaw ng DOH na maaari pa namang mapababa ang kaso ng COVID-19 sa NCR kung paiigtingin ang pagsunod sa minimum public health standard, mas maayos na case detection hanggang isolation at mas malawak na vaccination coverage.—sa panulat ni Drew Nacino