Pinag-iingat ngayon ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa norovirus.
Ang babala ay ginawa ni Health Secretary Janette Garin kasabay sa monitoring ng ahensya sa norovirus outbreak sa Zamboanga City.
Ang norovirus ay dahilan ng diarrhea at pagsusuka na makukuha mula sa maruming tubig.
Sinabi ni Garin na naglaan na ang DOH ng P5 million bilang tulong sa mga government hospitals para sa hospitalization at medical expenses ng mga pasyenteng tinamaan ng virus.
Dagdag pa ni Garin na tumaas ang kaso ng diarrhea dulot ng virus ngayong tag-init lalo na sa Zamboanga.
By Mariboy Ysibido